Ito ang Buhay ko. Haha. Ito lang ang lantad. Sikreto na ang iba.;j Dito, walang pedeng kumontra. Wala akong kaiingitan.;j Akin lang ito. AKIN! Haha.;j Nasa godlovesmelody.blogspot.com ang aking buhay with God, sa amin na lang iyon. Kung gusto niu maview, pilitin niu ako.;j

Ang Bida at Kontrabida.;j Basahin Muna Ito!!!;j

My photo
Tagaytay City, Philippines
Mahal na mahal ko Siya at mahal na mahal nia din ako.;j Nagmamahalan Kami. Hehe.;j Direktsyon: Pindutin ang mga may tatlong asterisk para sa links (***) Baka Tuwing 9pm ako at 5am? magtatype dito. Nyahaha.;j Baka lang.;j Nawa'y magiwan kayo ng coment bago lumayas. Hehe. Salamats.;j Peru ok lang kahit di kayo mag-iwan ng coment basta nag-effort kayo na i-open ang aking buhay.;j

Wednesday, July 29, 2009

Wala akong Bilib sa Sarili.j;

Mapanlinlang kong Ngiti.

Kanina tinanong ako ni Bro. Danny kung may bilib daw ako sa sarili ko nung nagtake ako ng Board Exam. Napa-OPO ako kaagad ng di nagiisip, anu bang dapat kong isagot? Syempre yung mas magandang pakinggan. Yun ang topic e. Peru paano ka ba naman hindi bibilib sa sarili mo e sa apat na taon tiniis mo ang hirap at lungkot ng course mo tas hindi ka pala papasa? Wee. Siguro yun na talaga ang Reward sa akin ni Lord, ang pumasa at hindi mapahiya at di masayang lahat-lahat ng ginastos sa akin.

Ngayon ako natuktukan sa ulo. Bakit ako naging malulungkutin?
Dahil wala akong bilib sa sarili ko.

Naalala ko na, na kaya ako napilit nila mommy na magnursing at pumasok sa LaSalle ay dahil sa wala akong bilib sa sarili ko. Hindi ako nakapasok sa dream school ko ang UP-Diliman at hindi ako nabigyan ng chance na magAccountancy.j; At yun lang ang kinuhanan ko ng entrance exam, super excited na talaga akong magManila. Pero hindi daw para sakin yun. Dahil dun naisip kong hindi pala lahat ng bagay kaya ko. Hinayaan ko na lang ang kagustuhan ng mga tao sa paligid ko. Kahit anung gusto nila, basta masaya sila. Akala ko sasaya din ako. Akala ko dahil mas nakakatanda sila sa akin, mas alam nila ang nakabubuti para sa akin. Heto ako, nakatapos ng Nursing, pumasa ng Boards. Pero masaya ba ako? Halos gabi-gabi akong umiiyak kapag naiisip ko ito. Wala akong magawa. Ngayon, anu bang dapat kong gawin. Ayokong palungkutin ang mga magulang ko pero hirap na hirap na ako. Tumutulo ang luha ko tuwing naalala ko ito, kahit nasa bus, nasa bible study. Hai, ayoko ng umiyak.

Ang gusto ko talaga magMED. Huhu. Hindi ko alam, hindi ko alam kung hindi na ba talaga ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko o akala lang nila naeenjoy ko naman ang nursing. Di ko sila makausap. Dahil wala akong bilib sa sarili ko. Iniisip ko pa din, na baka tama sila, hindi ko na kayang magdoktor, mahina ako sa dugo, mahirap mag-aral at isa pa, hindi ako papasa sa Medschool na pinapangarap ko. j; Wala talaga akong bilib. Wala. Wala. Sana bago man lang ako magbirthday maayos ko na ito. Ang sikip sa dibdib.j;

Ngayon, haharapin ko ba ito? Nagustuhan ko naman ang nursing. Dahil gusto kong tumulong, gusto kong mag-pagaling. Pero ang hindi ko lang ma-imagine ay yung wala na akong pagkakataong maging masaya kasama ng pamilya ko. I mean, magkaroon ng sariling clinic, na sa bahay lang nagtatrabaho. Huhu.

Lord, tulungan Niyo po ako. Kung gusto Niyo po talaga akong maging Nurse, tulungan Niyo po akong maging masaya. Lord, lahat ng luha ko ay kakayanin ko masunod lang ang Nais Niyo.;j

No comments: